
Isang bagong sorpresa ang natanggap ng mga Kabataang Pinoy housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Labis na ikinatuwa ng girl housemates ang pagpasok ng Star Magic artist na si Belle Mariano sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Habang ang boys ay naglalaro at tila naghihintay sa ipapagawa sa kanila ni Kuya sa may swimming pool area, nag-focus naman ang girls sa kanilang task, ang maitago si Belle mula sa iba nilang mga kasama.
Bago pa dumating ang bago nilang bisita, napansin ni Belle na naiplano nang maayos ng girl housemates ang lahat ng kanilang gagawin upang manatiling isang secret ang kaniyang pagdating.
Samantala, matatandaan na naging houseguests na rin sa bagong season ang Third Big Placer sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na si Esnyr.
Bago naman pumasok si Belle, sabay na bumisita ang mga aktor na sina Joshua Garcia at Piolo Pascual sa iconic house.
Abangan ang susunod na updates at mga kaganapan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:25 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na mapapanood sa link na nasa ibaba.
Related gallery: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'