
Muling nakiisa ang bandang Ben&Ben sa kilos-protesta kontra korapsyon at political dynasty na ginanap noong Linggo, November 30.
Kabilang ang Ben&Ben sa mga nag-perform sa ikalawang edisyon ng rally na binansagang Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument sa Quezon City. Inilunsad ito noong September 21, 2025 para manawagan ng pananagutan at transparency mula sa gobyerno, kaugnay ng mga isyu sa flood control projects ng bansa.
RELATED: Celebrities and personalities take part in September 21 rallies
Kinanta ng Ben&Ben ang kanilang hit song na "Kapangyarihan" para iparating ang kanilang mensahe na labanan ang matagal na umiiral na katiwalian sa pondo ng bayan.
Bukod sa Ben&Ben, nag-perform din sa November 30 Trillion Peso March ang iba pang OPM hitmakers na sina Maki, Amiel Sol, at bandang Over October.
Sumali rin sa kilos-protesta kontra katiwalian sina Catriona Gray, Elijah Canlas, Pokwang, Maris Racal, Kakie Pangilinan, Pipay, Juana Change, Bibeth Orteza, Pura Luka Vega, at iba pang mga personalidad.