What's Hot

Ben&Ben, naghahanda na para sa kanilang second album

By Dianara Alegre
Published August 6, 2020 1:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Massive fire kills 6 in Pakistan’s Karachi, destroys shopping center
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

ben and ben second album


Inanunsiyo ng Ben&Ben na pinaghahandaan na nila ang kanilang second album.

Kasabay ng paglulunsad nila ng “BB TV” series sa kanilang YouTube channel, ibinahagi rin ng members ng Pinoy folk indie band na Ben&Ben na naghahanda na sila para sa kanilang second album.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, kasalukuyan magkakasama sa iisang bahay ang members na sina Miguel Guico, Paolo Guico, Agnes Reoma, Jam Villanueva, Poch Barretto, Patricia Lasaten, Ben Sasis at Kiefer Cabugao para patuloy na makagawa ng online content at musika.

"We figured na this is the only way that we'd be able to continue doing our work as artists and creating content and most especially 'yung music kasi of course, first and foremost musicians kami.

“Isa pa 'yun sa purpose namin dito, the main purpose is to start writing our second album," sabi ni Miguel.

Ben and Ben

Source: benandbenmusic (IG)

Samantala, nagpapasalamat din ang grupo sa kanilang fans dahil sa suportang ibinibigay ng mga ito sa kanila.

Kamakailan kasi ay naging viral sa social media at nanguna pa sa Melon Search Charts ng South Korea ang Ben&Ben.

Dagdag pa rito ang pagtangkilik ng mga K-pop idols gaya nina Cha Eun-woo ng K-pop boy group na Astro at Momo g K-pop girl group na TWICE sa kanilang hit songs.

“'Yun 'yung work out playlist ko. Sine-search ko lang tas sine-search ko lang. Biglang nu'ng isang araw napabalitaan namin na pinapakinggan ni Momo 'yung leaves,” ani Patricia.

Ayon naman kay Miguel, para itong isang panaginip.

A post shared by Ben&Ben (@benandbenmusic) on


Samantala, ipinalabas na nitong August 5 ang unang episode ng “BB TV” series ng Ben&Ben, kung saan nag-cover sila ng mga sikat na kanta ng ilang K-pop music artists.

Panoorin dito: