GMA Logo Ben and Ben, Gabbi Garcia, Khalil Ramos
Source: benandbenmusic (IG)
What's Hot

Ben&Ben, 'nothing but more blessings' ang hiling para kina Gabbi Garcia at Khalil Ramos

By Kristian Eric Javier
Published February 3, 2026 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Muffler rule in Davao City questioned; LTO, LGU defend policy
Singapore Airshow kicks off amid supply chain strains, regional demand surge
Marian Rivera's teacup is from a French fashion house

Article Inside Page


Showbiz News

Ben and Ben, Gabbi Garcia, Khalil Ramos


Puno ng pasasalamat at paghanga ang Ben&Ben sa bida ng kanilang music video na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

More blessings ang hiling ng bandang Ben&Ben para sa mga bida ng music video ng pinakabagong kanta nila na “Duyan” na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Sa kanilang post sa Instagram, inamin ng banda na akala nila ay tapos na ang “Mahiwaga Trilogy” ng kanilang mga kanta. Pero ang hindi nila inasahan, “Meron pa palang nakatadhanang mas malupit na ending sa kwento mo.”

“Ganun ang pakiramdam nang matuloy itong music video ng bago naming kanta, ang Duyan. Sobrang saya sa pakiramdam na makasama ulit sina Gabbi at Khalil dito,” sabi ng banda.

Pagbabahagi pa nila, bawat segundo ng paggawa nila ng music video ay tila “quiet magic” kung papaano nanatiling steadfast at matatag ang pagsasama nina Gabbi at Khalil sa loob ng maraming taon.

“Kita mo siya sa patagong biruan, pasulyap-sulyap na tawanan at tinginan,” sabi nila.

Pagpapatuloy pa ng banda, “Pitong taon na rin pala ang lumipas, pero sa kwentuhan namin, tila parang kahapon lang ang pagdampi ng mga alaala ng nakaraan.”

KILALANIN ANG KAPUSO CELEBRITIES NA BUMIDA SA MUSIC VIDEOS SA GALLERY NA ITO:

Ayon sa Ben&Ben, hindi lang basta pag-arte ang ginawa nina Gabbi at Khalil sa kanilang music video at sa halip ay isinabuhay nila ito, bagay na hinangaan ng banda sa kanilang dalawang aktor.

“We wish you nothing but more blessings in your careers and in your life together. And most of all, we pray for the happiest of endings you both truly deserve in life,” pagtatapos ng Ben&Ben.

A post shared by Ben&Ben (@benandbenmusic)

Inilabas ng banda ang music video ng kanilang pinakabagong kanta noong January 22, kung saan sinabi nilang sumakto ang kanilang mga kantang “Pagtingin,” “Araw-araw,” at ngayon, “Duyan” sa love story ng dalawa.

“Basically, 'yung 'Pagtingin,' halos sobrang bago pa lang sila nu'n in their relationship, and then 'yung 'Araw-araw,' parang na-realize nila na it's one of those na feeling nila 'yun na 'yun. Pero of course, not until a lot of time has passed can you tell na it's really the one and the person for you,” sabi ni Miguel sa music video launch noong January 21 sa White Barn Events Place sa Marikina.

Pagpapatuloy ni Miguel, kahit na hindi pa naman ikinakasal sina Gabbi at Khalil, sila at ang mga kaibigan at kasabayan nila ay nasa punto na ng kanilang mga buhay para ikasal.