
Mag-iisang dekada nang magkakasama ang indie folk-pop band na Ben&Ben. Bukod sa nasa iisang banda lang sila, magkakaibigan rin sila sa totoong buhay.
Paano kaya inaayos ng mga miyembro ng Ben&Ben kapag may hindi sila pagkakaunawaan?
Sagot ni Agnes Reoma, "Pag may mga hindi pagkakaintindihan, proud ako na we're able to do the works that need to be done. Kunwari may something man na feelings, hindi namin siya ipapa-feel sa ibang bandmates, lalo na sa stage."
"I think sa group, kung mayroon sobra talagang malalaking issue, its you, you are the bridge," pagturo ni Agnes kay Miguel Guico. Paglilinaw ni Agnes, "Hindi, si Miguel 'yung nagbi-bridge."
RELATED: Meet the Members of Indie Folk Pop Band, Ben&Ben
Dagdag na paliwanag ni Miguel, si Agnes ang magsisimulang humirit ng nakakatawang bagay na siyang nagiging tulay para maayos ang hindi nila pagkakaunawaan.
Kuwento ni Miguel, "Kapag kunwari may hindi kami pagkakaintindihan, biglang may ihihirit si Agnes na sobrang left field na out of place pero sa sobrang out of place, na-a-amaze ka na parang, 'Paano mo naiisip 'yung mga ganung bagay?' Tapos, wala ng away."
Pagseseryosong sagot ni Miguel, malalim na ang kanilang napagsamahan sa isang dekada nilang magkakasama kaya madali na lang sa kanilang pag-usapan kung may hindi sila pagkakaunawaan.
"Over the years, nagkaroon na rin kami ng dynamic na, ang pinaka-baseline I would say, ay pinag-uusapan namin, as basic as that sounds," paliwanag ni Miguel.
"Para sa amin at para sa maraming tao na rin, napakahirap niyang gawin kasi palagay ko, sa kultura natin, mas magaling tayong kikimkimin mo. Sa amin, sinusubukan namin pag-usapan agad kapag okay na kami."
Magkakaroon ng world tour ang Ben&Ben at dadalhin nila ang kanilang "Traveller Across Dimensions Concert" sa iba't ibang panig ng mundo.