
Sa bagong episode ng BBTV, ipinamalas ng indie-pop folk band na Ben&Ben ang kanilang talento sa pagsayaw sa pamamagitan ng pag-perform ng ilang Philippine Folk Dances.
Anila, “Ngayong episode, tayo ay sasayaw ng Philippine Folk Dances!
“Since Buwan ng Wika [ngayon] at wala ang school presentations, na-miss namin.
"So, naisipan namin na gumawa ng ganito para sa inyong lahat.
“Kanina nga nung nagbibihis kami, parang feel namin na nasa school ulit tayo. Parang grade school lang noong field demo days.”
Sa 11-minute video, sinayaw ng grupo ang “Maglalatik,” “Tinikling,” at “Subli.”
Kuwento pa ni Paolo Guico sa fans, “So 'yung folk dance, siguro karamihan o lahat sa amin may special memories, siguro nung grade school o nung high school, tuwing Buwan ng Wika talaga.
“Kami ni Miguel [Guico], suki kami sa Folk Dance kasi lagi kaming pinagti-tripan ng mga teachers kasi mukha raw kaming sumasayaw na lechon. Hay..”
Para sa isang sayaw halos anim na oras nag-praktis ang grupo kaya naman naiba ang kanilang pananaw sa Philippine Folk dancers.
Saad ni Andrew de Pano, “Six hours of practice for a four-minute dance. I have blisters everywhere! Mahirap siya and it's not for everyone but super, super intense work niya.”
Panoorin ang kanilang performance:
Ang vlog na ito ay parte ng kanilang weekly series na BBTV.