GMA Logo
What's Hot

Ben&Ben, tampok sa 'Wish Ko Lang!' ngayong Sabado

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 25, 2019 1:03 PM PHT
Updated December 23, 2019 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
LIVE - PCO press briefing (April 15, 2026) | GMA Integrated News
BTS gets 3 nominations at 2026 AMAs, including Artist of the Year

Article Inside Page


Showbiz News



Isang music special ang handog ng 'Wish Ko Lang!' ngayong Sabado, October 26, dahil bibida rito ang paboritong banda ng bayan, ang indie folk pop band na Ben&Ben.

Isang music special ang handog ng 'Wish Ko Lang!' ngayong Sabado, October 26, dahil bibida rito ang paboritong banda ng bayan, ang indie folk pop band na Ben&Ben.

Sosorpresahin ng Ben&Ben si Tony, isang aspiring musician na ginawan ng parody video ang kantang 'Pagtingin' na nag-viral sa social media.


Haharanahin naman ng Ben&Ben ang isang couple na nabuo raw ang love story dahil sa pakikinig sa mga kanta ng banda.

Ang huli nilang susopresahin ay si Mary Ann at ang kanyang unica hija. Ayon kay Mary Ann, nalampasan nila ang pagluluksa sa pagpanaw ng kanyang mister dahil sa pakikinig sa Ben&Ben.

Panoorin ang Ben&Ben ngayong Sabado, October 26, sa 'Wish Ko Lang!' pagkatapos ng 'Tadhana.'