GMA Logo Ben and Ben
What's Hot

Ben&Ben wins big at 38th Awit Awards

By Jansen Ramos
Published November 17, 2025 5:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taiwan says its military can respond rapidly to any sudden Chinese attack
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Ben and Ben


Wagi ang studio album ng OPM folk band na Ben&Ben na 'The Traveller Across Dimensions' bilang Album of the Year at ang kanilang kantang "Triumph" bilang Best Performance by a Group Recording Artist sa 38th Awit Awards.

Pinarangalan ang OPM folk band na Ben&Ben sa 38th Awit Awards na ginanap kagabi, November 16, sa Meralco Theater sa Pasig City.

Wagi ang latest studio album nilang The Traveller Across Dimensions bilang Album of the Year. Panalo rin ang kanilang kantang "Triumph" bilang Best Performance by a Group Recording Artist.

Hindi naman makapaniwala ang Ben&Ben sa natanggap nilang pagkilala mula sa Awit Awards. Sa kanilang Facebook post, ipinahayag ng banda ang kanilang pasasalamat sa mga tao sa likod ng kanilang album at maging sa kanilang fans na kung tawagin nila ay "Liwanag."

Ang Ben&Ben ay binubuo ng siyam na miyembro.

Inilunsad ito noong 2016 ng magkakambal na sina Paolo Benjamin at Miguel Benjamin Guico, na nagsisilbing lead vocalists at acoustic guitarists ng banda.

Sina Paolo at Miguel ay kasalukuyang napapanood sa The Voice Kids bilang coach duo.

KILALANIN PA ANG BEN&BEN SA GALLERY NA ITO.