
Kasama ang aktor na si Benedict Campos sa upcoming series titled G.R.I.N.D. (Get Ready It's a New Day) na ipapalabas sa GMA-7 ngayong August 19, 11 pm.
Sa press conference ng millennial-oriented show, naikuwento ni Benedict ang kanyang karakter na si RK, isang millennial gay.
Ika niya, "Actually, si RK. Sobrang excited akong makita kung ano pang klaseng tao si RK. Ibang klaseng millennial siya, parang mix siya ng iba't ibang klaseng millennial. Hindi lang lalaki, hindi lang babae, hindi lang gay. So, maraming mix 'yung character ni RK. So, marami siyang surprises na hanggang ngayon sa script pa lang hindi pa masyado na-e-expand 'yung character."
Mabilis naman daw sila nag-click ng kanyang co-stars na sina Jazz Ocampo, Ayra Mariano, Kim Rodriguez at Bruno Gabriel. Ika niya, "From day one actually, magkakasundo na kami, walang naging problema. Naging okay kaming lahat. So, nag-jive kaming lahat."
Isa rin sa goals ni Benedict na maging parang American sitcom na FRIENDS ang kanilang bagong show.
Paliwanag niya, "Sinabi nga 'yung parang sa FRIENDS before, sila Rachel (portrayed by Jennifer Aniston), Ross (portrayed by David Schwimmer), ganyan, from day one nagkasundo na lahat. So, 'yun din gusto naming mangyari, 'yung humaba ng ganun ['yung G.R.I.N.D.] na kasama kami [ng viewers] every Saturday, ang G.R.I.N.D. family."