GMA Logo benedict cua
What's Hot

Benedict Cua, emosyonal sa P500 noche buena budget challenge

By Maine Aquino
Published December 6, 2025 11:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

19 areas under Signal No. 1 as Wilma approaches Samar Island
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

benedict cua


Benedict Cua: "Ang sakit pala..."

Hindi napigilan ni Benedict Cua na maging emosyonal sa ginawa niyang PhP 500 Noche Buena budget challenge.

Sa TikTok, ipinakita ng content creator na si Benedict kung paano niya i-budget ang halagang PhP 500 para panghanda sa Pasko.

Ang PhP 500 na computation ay mula sa Department of Trade and Industry. Ayon sa kanila, sa halagang PhP 500 ay makakapaghanda na ng basic Noche Buena meal para sa maliit na pamilya ngayong 2025.

PHOTO SOURCE: TikTok: Benedict Cua

Sa video ni Benedict ay ipinakita paano niya sinubukang i-budget ang halagang ito para sa spaghetti, fried chicken, at fruit salad.

Saad ni Benedict pagkatapos magluto, "Posible. Kahit ano naman posible pero parang hindi siya enough."

Dugtong pa niya, "Ang tagal mong hinintay ang Pasko, parang gusto mong mas maghanda ng marami para sa anak mo, sa asawa mo, sa buong pamilya."

Hindi naman napigilan na maging emosyonal ni Benedict noong maisip niya ang sitwasyon bilang isang ama.

"Sinasabi ko sa sarili ko dapat masaya na ako sa ganito, pero nilalagay ko 'yung posisyon ko sa pagiging tatay na. Ang sakit pala kapag ito lang ang handa mo."

Saad pa niya, "Hindi ko ma-feel 'yung Pasko."

@benedict_cua

Noche buena for 500 pesos. Let's check

♬ original sound - benedict cua

SAMANTALA, NARITO ANG REAKSYON NG MGA CELEBRITIES SA PHP 500 NOCHE BUENA BUDGET: