GMA Logo Lovely Abella and Benj Manalo
Source: Your Honor
What's on TV

Benj Manalo, inalala nang masabihan na 'palamunin' ni Lovely Abella

By Aedrianne Acar
Published November 27, 2025 12:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala hopes to inspire people with her journey
Dress for the cold like these Kapuso beauty queens
Biyahe ni Drew: Alamin ang mga patakaran sa pag-akyat sa Mt. Pulag

Article Inside Page


Showbiz News

Lovely Abella and Benj Manalo


Kinuwento ni Benj Manalo sa 'Your Honor' ang masasakit na komento ng bashers tungkol sa kanya bilang partner ni former 'Bubble Gang' star Lovely Abella.

Money problems ng mag-asawa, nakakasira o nakakapagpatibay ng relasyon?

Ito ang sasagutin ng resource persons natin na sina Lovely Abella at Benj Manalo sa session ng Your Honor na tinawag 'In Aid of Money Problems: Nakakasira o Nakakatibay ng Relasyon?'

Matatandaang ikinasal sina Lovely at Benj taong 2021 at ngayon ay ibabahagi ng celebrity couple ang mga natutunan nila bilang mag-asawa.

Sa episode teaser ng Your Honor, inalala ng anak ni Jose Manalo ang ilan sa mga masasakit na nasabi ng mga tao tungkol sa kanya online.

Kuwento ni Benj sa House of Honorables, “Dumating sa time na 'yung pride namin sobrang head-to-head e. Nakikita ko sa comment section parang [sinasabi], 'Palamunin ka na, ganito, ganito. Kasi 'yung asawa mo masipag.' Kumbaga, kinakain ka rin ng pride.”

Sabat bigla ni Lovely, “Kasi ako lagi ang nakikita. As in nag-aaway kaming dalawa. 'Pag nagsisigawan kami na, 'O, e 'di ikaw na magaling!' 'E ikaw nga 'pag nagme-meeting akala mo kung sino ka magaling.”

RELATED CONTENT: BENJ MANALO IS ONE SWEET HUSBAND OF LOVELY ABELLA

Tutukan ang couple's confessions nina Lovely at Benj sa Your Honor sa darating na November 29 sa YouLOL YouTube channel, pagkatapos ng Pepito Manaloto!

RELATED CONTENT: MEET BENJ MANALO