
Punong-puno ng pagmamahal ang wedding anniversary message ng actor at entrepreneur na si Benj Manalo para sa kaniyang maybahay na si Lovely Abella.
Kung maalala natin, pinakasalan ni Benj Manalo ang Bubble Gang actress sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic noong January 2021.
Sa kaniyang Instagram post kahapon, January 24, ipinasilip niya ang ilang sweet photos niya kasama si Lovely at sa caption may nakakakilig itong mensahe para sa kaniyang misis.
Sabi ni Benj, “5 years and counting, seeing God's grace into our marriage:) thank you Lord. I love you my everything @lovelyabella_ can't wait to create more memories with you everyday. Happy 5th year anniversary mahal ko. lagi ako in love sa imo langga ko.”
Source: benj (IG)
Isinilang noong 2023 ni Lovely si Liam Emmanuel na biological son niya kay Benj Manalo. May isa na siyang anak sa dating karelasyon na ang pangalan ay si Crisha Kaye.
RELATED CONTENT: LOVELY ABELLA'S GARDEN-THEMED WEDDING