What's Hot

Benjamin Alves, abala sa kanyang online flower shop habang naka-quarantine

By Dianara Alegre
Published August 27, 2020 11:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

Benjamin Alves


Nagbukas ng online flower shop ang aktor na si Benjamin Alves upang mapanatili ang pagiging produktibo kahit naka-quarantine.

Dahil sa COVID-19 pandemic ay pansamantalang natigil ang pagpapalabas ng mga show at pelikula bilang pagsunod na rin sa quarantine protocols upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

At upang patuloy na may pagkakitaan at pagkaabalahan, ilang celebrity na rin ang nagbukas ng mga bagong negosyo sa gitna ng pandemic.

Kabilang na diyan si Kapuso hunk Benjamin Alves na nagbukas ng online flower shop, ang House of Roses.

Benjamin Alves

Benjamin Alves / Source: benxalves

“Kaysa mag-stay lang sa bahay nang walang ginagawa, saka I want to be productive. We found that there's still a market for sending flowers or reaching out to people.

“We just want to send something to reach out to somebody. Hindi na natin magawa physically, so that where the concept came up,” aniya.

Hindi lang simpleng bulaklak ang ibinebenta ng shop ni Benjamin kundi ang naglalakihang Ecuadorian roses.

“We want to be known to have the best looking roses, the biggest roses,” aniya pa.

Dagdag pa ng aktor, kahit na may dumating na trabaho ay patuloy pa rin niyang tututukan ang online flower shop niya.

Samantala, masaya ring ibinalita ni Benjamin na ligtas mula sa COVID-19 ang pamilya niya sa Guam.

“I just tried to keep them in my prayers and I also try to get to talk to them at least once a day,” lahad niya.

Binanggit din ng aktor na matapos ang limang buwang pagpirmi sa bahay, may nakalatag nang acting job para sa kanya.