
Patuloy na pinag-uusapan ang intense na mga pangyayari sa Akusada.
Kabilang na rito ang mga eksena nina Benjamin Alves at Arnold Reyes, na napapanood sa serye bilang mag best friends na sina Wilfred at Dennis.
Sa isang episode, nalaman na ni Wilfred na si Dennis ang totoong pumatay sa kanyang unang asawa na si Joi, ang karakter ni Max Collins.
Mababasa sa social media ang reaksyon ng viewers tungkol sa eksena na talaga namang sinubaybayan ng marami.
Bumuhos ang papuri sa mahusay na pag-arte nina Benjamin at Arnold, lalo na sa naturang intense scene.
Samantala, ang Akusada ay pinagbibidahan ng Kapuso actress na si Andrea Torres.
Kabilang din sa cast ng serye sina Lianne Valentin, Ashley Sarmiento, Marco Masa, Ronnie Liang, Ahron Villena, Shyr Valdez, Jeniffer Maravilla, at marami pang iba.
Huwag palampasin ang nalalapit na pagtatapos ng 2025 intense drama series na Akusada.
Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
Maaari ring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.
Related gallery: On the set of 'Akusada'