GMA Logo benjamin alves and chelsea robato
Source: @teampatdy IG
Celebrity Life

Benjamin Alves at Chelsea Robato, nagbigay ng mga detalye sa kanilang kasal

By Kristine Kang
Published January 4, 2024 10:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

benjamin alves and chelsea robato


Alamin ang mga detalye ng kasal nina Benjamin Alves at Chelsea Robato

Excited na ang Kapuso hunk na si Benjamin Alves at ang kaniyang fiancé na si Chelsea Robato sa kanilang nalalapit na kasal sa January 28.

Inilahad ng celebrity couple ang ilang sa kanilang wedding details sa isang interbyu nila kay GMA News reporter Nelson Canlas.

Ayon kay Benjamin, simple at intimate ang kanilang wedding na gaganapin sa Makati.

"We wanted the place not to look so static so it's alive and it's something immersive so if you entered the reception area you feel like you're somewhere else." sabi ni Benjamin.

Sabi naman ni Chelsea, wala naman siyang specific dream wedding pero may isa siyang hiling sa kaniyang groom to be.

"The only thing I ask him is, 'you have to cry when I walk down' (the aisle)," pabirong sabi niya.

Dagdag ni Benjamin, gusto rin ng kaniyang bride-to-be na haranahin siya sa kanilang wedding. Kaya naman titingnan daw ng Kapuso actor kung kakayanin niya bang kumanta sa reception.

Related gallery: Photos that prove why Benjamin Alves and Chelsea Robato are perfect for each other

Napa-throwback rin sina Benjamin at Chelsea sa kanilang love story, na 10 years in the making. Dito, ibinunyag din nila na dati silang magkakabata sa Guam at magkakaibigan rin ang kanilang magulang.

Parehas rin ang kanilang pinasukang college campus at parang linaro ng tadhana, muntikan silang rumampa sa isang fashion show na nakasuot ng wedding outfits noong 2010.

"She was a finale bride to walk and they needed a groom and sabi ko no kasi parang ayoko ng pano maggrogroom eh parang hindi pa ko handa ikasal," kuwento ni Benjamin.

Ilang taon nakalipas, nagkita ulit ang dalawa ng 2019 sa tulong ng common friend nila, si Makiling actress na si Thea Tolentino.

Ika nga ni Benjamin, isa sa priority guest si Thea dahil siya ang nagsilbing tulay sa kanilang dalawa ni Chelsea.

Isang taon na engaged sila Benjamin at noong November 2023, binahagi ng dalawa ang kanilang intimate scenic prenup photos sa isang beach sa El Nido, Palawan.

Tingnan ang ilang sa mga ito sa gallery na ito: