
Tampok ang isang kuwento ng sukob sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Itinuturing na sukob kapag ikinasal ang magkapatid sa parehong taon at pinaniniwalaang maadadala ito ng malas sa kanila.
Sa episode na pinamagatang "Kutob ng Sukob: The Andoy and Anabelle Delposo Story," bibigyang-buhay ng Kapuso stars na sina Benjamin Alves at Faith Da Silva ang kuwento ng mag-asawang haharap sa iba't ibang pagsubok dahil umano sa sukob.
Gaganap si Benjamin bilang Andoy, habang si Faith naman ay ang kanyang asawang si Anabelle.
Matapos ang kanilang kasal, ikasal na rin ang nakababatang kapatid ni Andoy na si Fe, played by Claire Castro.
Sukob ang kanilang mga kasal kaya makukunan si Anabelle sa kanyang ipinagbubuntis. Si Fe naman, makakaranas ng pananakit mula sa asawa niyang si Carmelo, karakter naman ni Mikoy Morales.
Paano matatanggal ang sumpa ng sukob sa pamilya nila?
Abangan 'yan sa brand new episode na "Kutob ng Sukob: The Andoy and Anabelle Delposo Story," July 9, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa Youtube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: