
Sa pagbisita nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose sa Sarap Diva, sinagot nila ang tanong ni Regine Velasquez-Alcasid tungkol sa estado ng kanilang relasyon.
Sa pagbisita nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose sa Sarap Diva, sinagot nila ang tanong ni Regine Velasquez-Alcasid tungkol sa estado ng kanilang relasyon.
READ: Julie Anne San Jose at Benjamin Alves, may aaminin?
Sagot ni Benjamin, "Exclusively dating naman po kami."
Ayon sa balitang nakuha ni Regine, naging close umano sina Benjamin at Julie Anne sa isang workshop.
"Before pa kami mag-workshop, before everything started. Kasi nag-start po kami May. So pagka-graduate ko ng college." Pag-amin ni Julie.
Nagpatuloy ang pagiging close ng dalawa nang pinanood ni Benjamin si Julie Anne sa kanyang concert. Kuwento ni Julie, "Nung nag-concert po ako sa Kia Theater noon, In Control, yung major concert, nanood siya."
Nagpapasalamat umano ang dalawa dahil sa magkasama sila sa isang show, ang Pinulot Ka Lang sa Lupa.
Saad ni Benjamin, "Thankfully magkasama rin po kami sa isang show, so lagi po kaming magkasama sa taping."
MORE ON BENJAMIN ALVES AT JULIE ANNE SAN JOSE:
#ThrowbackThursday: Can you guess who these cuties are?
LOOK: Julie Anne San Jose and Benjamin Alves spend Christmas break together