
Isa na namang love story ang hatid ng programang Wagas ngayong parating na Sabado.
Itatanghal kasi dito ang kuwento ng yumaong aktres na si Isabel Granada at kanyang mister na si Arnel Cowley.
Pumanaw si Isabel sa Doha, Aatar nung November 4 dahil sa isang aneurysm.
Si Kim Rodriguez ang gaganap bilang Isabel, habang si Benjamin Alves naman ang gaganap bilang si Arnel.
Si former Smokey Mountain member Jeffrey Hidalgo ang nagsilbing direktor ng episode.
Mapapanood ang episode na ito ng Wagas sa December 16, 7:00 pm sa GMA News TV.