What's on TV

Benjamin Alves at Sanya Lopez, ang bagong tambalan na dapat abangan sa upcoming Kapuso afternoon drama

By Felix Ilaya
Published April 4, 2019 2:50 PM PHT
Updated May 17, 2019 11:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



Magtatambal for the first time sina Benjamin Alves at Sanya Lopez sa upcoming drama series na Dahil Sa Pag-Ibig na nakatakdang mapanood sa GMA Afternoon Prime.

Magtatambal for the first time ang Kapuso actors na sina Benjamin Alves at Sanya Lopez sa upcoming drama series na Dahil Sa Pag-Ibig na nakatakdang mapanood sa GMA Afternoon Prime.

Benjamin Alves at Sanya Lopez
Benjamin Alves at Sanya Lopez

Naghahanda na ang dalawa para sa isang napapanahong teleserye na sasalamin sa buhay ng mga overseas Filipino worker (OFW) at ng mga pamilyang naiiwan nila sa Pilipinas.

Gaganap si Ben bilang OFW na si Eldon na mapapahamak sa kaniyang trabaho abroad. Si Sanya naman ang gaganap bilang kaniyang butihing asawa na si Mariel na gagawin ang lahat, masagip lang si Eldon sa sitwasyong kinalalagyan nito.

Bukod kina Sanya at Ben, tampok din sa serye sina Pancho Magno, Winwyn Marquez.

Abangan ang pinakabagong seryeng magpapainit sa inyong mga hapon, ang Dahil Sa Pag-Ibig, malapit na sa GMA Afternoon Prime!