
Sa pagdiriwang nina Benjamin Alves at asawa nitong si Chelsea Robato ng kanilang ikalawang anibersaryo ng kasal, inamin ng aktor na naging malaking pagsubok para sa kanila ang nakaraang taon. Ngunit kasabay umano nito ay naging mas malapit sila sa isa't isa.
Sa Instagram, nag-post si Benjamin ng ilang litrato nila ni Chelsea. Ang ilan ay mula sa kanilang kasal, habang ang iba naman ay mula sa kanilang travels. Kaakibat nito ay ang mensahe ng dating Akusada star para sa kaniyang asawa.
“This past year has been the most trying for us. Though we've been tasked to be patient, I'm glad we've grown together, closer, as husband and wife. I cherish this season for us,” sulat ni Benjamin.
Pagbabahagi pa ng aktor, nakita niya sa kanilang journey ang pagiging resilient at strong ng kaniyang asawa sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan nila. Ipinahayag din ni Benjamin kung gaano siya kaswerte na makasama niya si Chelsea sa paglalakbay na iyon.
“This year has taught me to slow down, listen, really hear you, and not always try to find the solution for you, but to just BE with you through everything,” sabi ni Benjamin.
Pinangako rin ng aktor na magiging mas-sweet siya sa asawa, at mas present sa mga moment nila ng magkasama.
“I pray we will soon enter a new season in our life as husband and wife…,” sabi ni Benjamin.
Sa huli, binati niya ang asawa, “Until then… I will love you unconditionally, always. Happy second anniversary my love.”
TINGNAN ANG BEAUTIFUL WEDDING PHOTOS NINA BENJAMIN AT CHELSEA SA GALLERY NA ITO: