
Nakatawag pansin ang Instagram post ni Kapuso actor Benjamin Alves patungkol sa mga lalaking nagdi-DM (direct message) sa kanyang model girlfriend na si Chelsea Robato.
LOOK: Benjamin Alves confirms relationship with model Chelsea Robato
Sa Instagram post ni Benjamin, nag-iwan siya ng nakakatawang mensahe para sa kanila.
“Looking at all the thirsty dudes sliding in my girl's DMs... I see you. ”
Matatandaan na umamin si Benjamin na in a relationship na siya kay Chelsea nito lamang Hulyo.
Nag-react naman ang kanyang girlfriend sa hirit ng aktor sa Instagram.
Nag-message din ang versatile actress na si Ina Feleo kay Benjamin Alves na humanga sa pagiging “chill” ni Ben.