GMA Logo Benjamin Alves, Ashley Sarmiento
Photo source: benxalves
What's Hot

Benjamin Alves, nag-react sa paghanga ni Ashley Sarmiento kay Rave Victoria

By Karen Juliane Crucillo
Published December 2, 2025 4:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No law bars PH gov’t from coordinating with ICC — DOJ
Banaue Rice Terraces featured in Pokémon Winds and Waves?
School principal, 2 others nabbed in Mati drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Benjamin Alves, Ashley Sarmiento


Alamin dito ang reaksyon ni Benjamin Alves sa paghanga ni Ashley Sarmiento kay Rave Victoria sa loob ng Bahay ni Kuya.

Nananatiling supportive si Benjamin Alves sa kanyang Akusada co-star na si Ashley Sarmiento at talagang tutok siya sa pagsubaybay sa kanyang PBB Celebrity Collab Edition 2.0 journey.

Sa TikTok, ibinahagi ng Kapuso actor ang kanyang reaction video sa pagkuwento ni Ashley tungkol sa kanyang paghanga kay Rave Victoria sa loob ng confession room sa isang episode ng teleserye ng totoong buhay.

Makikita sa video ang high energy ng PBB housemate, habang tahimik na pinagmamasdan lang ni Benjamin ang kanyang kakulitan.

“Kakagising ko lang, Amber.. pero parang naka-5 cups of coffee ka na,” sabi ni Benjamin sa caption.

Hindi rin napigilan ni Benjamin na mapansin ang isa sa mga nasabi ni Ashley, at nagpahabol pa siya ng reaksyon sa comments section.

“Yung Mundo niya…” - akala ko nanonood ako ng Sang'gre,” dagdag ng aktor.

Inalam din ng ilang fans kung kanino nga ba boto si Benjamin, kung sa fandom ng AshCo (Ashley at Marco Masa) o AshRave (Ashley at Rave).

“Ashley,” sagot ni Benjamin sa fans.

@benxalves

Kakagising ko lang Amber.. pero parang Naka 5 cups of coffee ka na.

♬ original sound - benxalves

Nakatrabaho ni Benjamin si Ashley sa Akusada kasama ang ex-PBB housemate na si Marco Masa.

Kamakailan lang, kinakiligan ng netizens sina Ashley at Rave dahil napag-usapan nila ang kanilang tampuhan nang simulang umiwas si Ashley kay Rave.

Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.

Samantala, bilang isa sa mga nakatutok sa teleserye ng totoong buhay, sino sa male at female housemates ang gusto mong maging big winner ngayong season?

Sagutan ang polls sa ibaba:

POLL: Who's your Female Big Winner in 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0'?

POLL: Who's your Male Big Winner in 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0'?

RELATED GALLERY: Meet the fan-favorite ships in 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'