
Sa halip na ma-depress sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa at sa ipinapatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa COVID-19, mas pinili ng Kapuso actor Benjamin Alves na mag-relax sa bahay at mag-binge watch!
Tulad ng maraming celebrities, fan na rin ng romantic K-drama series na Crash Landing On You (CLOY) si Benjamin.
Sa Instagram Story ng Owe My Love leading man, ibinahagi niya na bonding time nila ng kanyang girlfriend na si Chelsea Robato ang panonood ng CLOY.