
Opisyal nang nagbukas ang ikatlong branch ng kanyang negosyong Book and Borders Cafe sa Eastwood, Quezon City.
Isang bagong blessing na naman ang dumating sa buhay ni Kapuso actor Benjamin Alves.
Opisyal nang nagbukas ang bagong branch ng kanyang negosyong Book and Borders Cafe sa Eastwood.
Ito ang pangatlong branch ng cafe ni Benjamin. Ang una ay nasa Tomas Morato sa Quezon City at ang pangalawa naman ay nasa McKinley Hill as Taguig.
Bukod sa kanyang mga negosyo, abala din ngayon si Benjamin sa paghahanda sa kanyang upcoming GMA Afternoon Prime series na Pinulot Ka Lang sa Lupa kung saan makakatambal niya si Asia's Pop Sweetheart Julie Anne San Jose.
MORE ON BENJAMIN ALVES:
Benjamin Alves reveals his motivation back in college