What's on TV

Benjamin Alves, nagseselos kay Martin del Rosario dahil kay Julie Anne San Jose?

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2017 7:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Umabot na sa social media ang pagseselos ni Ben. Top trending topic nga ang #PKLSLYakap ngayong araw!

Mas titindi ang pagtutunggali ng kababata at malapit na kaibigan ni Santina na sina Ephraim at Kiko.
 
Unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Ephraim, ang karakter ni Kapuso star Benjamin Alves sa kanyang kababata na si Santina sa katauhan ni Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose. Hindi papayag dito ang Kapuso actor na si Martin del Rosario bilang Kiko dahil ipaglalaban din niya ang kanyang pagmamahal sa dalaga.
 
Mula sa kanilang pinagbibidahang GMA Afternoon Prime soap na Pinulot Ka Lang sa Lupa, umabot na sa social media ang pagseselos ng aktor sa kanyang co-star. Nahuli rin kasi ni Benjamin na kayakap rin ng kanyang leading lady ang kapwa nilang Kapuso star. 

Talagang sinubaybayan ng mga manunuod ang mga ganap kanina dahil top trending topic ang #PKLSLYakap. Abangan ang susunod na mga pangyayari bukas ng 4:15 p.m.

MORE ON 'PINULOT KA LANG SA LUPA':
 
READ: ‘Pinulot Ka Lang sa Lup’ star Benjamin Alves, may pick up lines kay Julie Anne San Jose
 
READ: Sampalan nina Julie Anne San jose at LJ Reyes, mapapanood na ngayong linggo!
 
LOOK: Ara Mina, excited to be back in ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’

Photos by: @benxalves(IG)