What's Hot

Benjamin Alves, nililigawan nga ba si Glaiza de Castro?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 19, 2020 5:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD: Over P8.4M in relief aid given to Albay LGUs affected by Mayon Volcano unrest
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Dinadalaw rin daw ni Ben si Glaiza sa mga recording ng dalaga. 
By BEA RODRIGUEZ
 
 

xx glaiza365 | #relentlessforwardprogress xx

A photo posted by benjamin alves (@benxalves) on

 
Naging close ang Kapuso stars na sina Benjamin Alves at Glaiza de Castro nang mapasama sila sa cast ng Dading noong nakaraang taon at sunud-sunod na ang kanilang pag-bonding kahit tapos na ang kanilang show.
 
Hangang-hanga rin ang hunk actor sa mahusay na pagganap ng aktres sa The Rich Man’s Daughter at kapansin-pansin ang pagiging maalaga nang dalhan niya ang “Synthesis” singer ng pagkain kada binibisita sa recording ng album nito.
 
READ: Glaiza de Castro, puspusan ang paghahanda para sa first solo concert 
 
Saad ni Glaiza sa report ng 24 Oras Weekend, “Naa-appreciate ko ‘yun talaga sa kanya. Nakakatuwa na alam mo ‘yun, may mga taong ganun sa ‘yo na pinapa-feel na, in a way, importante ka.”
 
Nang tinanong ni Lhar Santiago kung nanliligaw si Benjamin sa kanya, natawa ang dalaga at sinabing, “’Di ko po masabi….parang ‘di dapat sa akin manggaling iyon.”
 
Sa panayam naman ng GMANetwork.com sa Beautiful Strangers star noong Cosmopolitan Carnival 2015, nilinaw ng aktor na single raw siya ngayon, “I am. I wish I can say I wasn’t.”
 
READ: 7 reasons Benjamin Alves is a good catch 
 
Walang rin raw espesyal na tao na dumalo para suportahan siya sa kanyang pagrampa, “Someone special, you mean? Wala eh. Who knows? Sana next year…[kung] kasama ako.”
 
READ: Enzo Pineda and Benjamin Alves, proud of Cosmo Centerfolds Derrick Monasterio and Elmo Magalona