GMA Logo benjamin alves
Courtesy: benxalves (IG), charlie.flmn (IG), celin.c. lin (IG)
What's Hot

Benjamin Alves, todo suporta kay Charlie Fleming sa 'PBB Celebrity Collab Edition'

By EJ Chua
Published July 3, 2025 10:50 AM PHT
Updated July 3, 2025 10:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 20, 2025) | GMA Integrated News
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

benjamin alves


Benjamin Alves, tungkol kay Charlie Flemming: "I think her journey will begin after 'PBB.'"

Kasabay ng paghihintay sa Big Night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, ramdam na ramdam ang all-out na suporta ng fans sa Big 4 ni Kuya.

Bukod sa fans, ilang celebrities din ang very supportive sa Kapuso at Kapamilya housemates na gusto nilang maging Big Winner sa hit teleserye ng totoong buhay ng mga sikat.

Isa sa kanila ang Akusada actor na si Benjamin Alves, na nakasubaybay sa Pinoy Big Brother journey ni Charlie Fleming.

Si Charlie ay naging co-star ni Benjamin noon sa suspense drama series na Widows' War, kung saan napanood sila bilang magkapatid.

Sa mediacon ng GMA Afternoon Prime shows, ibinahagi ni Benjamin sa press kabilang na ang GMANetwork.com na nanonood siya ng PBB at sinusubaybayan niya rito si Charlie.

Pahayag niya, “I'm a fan. I've been a fan, she's from Widows' War. I'm really rooting for Charlie to make it.”

Kasunod nito, inilarawan niya ang young Sparkle star at ibinahagi niyang nagkausap silang dalawa noong ma-evict at bago nakabalik sa Bahay Ni Kuya si Charlie.

“For me, great soul, great future, and I told her that when she got in and we were able to exchange messages. Then, to hear that she went back in… I think her journey will begin after PBB," kuwento ni Benjamin.

Samantala, ang Kapamilya star na si Esnyr ang final duo ni Charlie.

Kilala sila bilang CharEs at marami ang talaga namang bilib sa kanilang dalawa lalo na't sila ang pinakaunang nakakuha ng slot sa Big 4 ni Kuya.

Sino kaya ang tatanghaling Big Winner sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition?

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang collaboration project ng GMA at ABS-CBN.

Mapapanood ang teleserye ng totoong buhay ng mga sikat mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 9:30 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

Balikan ang naging final duos Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition: