Ano ang mensahe ni Benjie para sa mga bumabatikos sa anak? By MARAH RUIZ
Sinong mag-aakalang ang ilang simpleng Mother's Day greeting ay magbubunga ng ganito ka-negatibong reaksyon?
Nag-post kasi ang magkapatid na Andre at Kobe Paras ng Mother's Day greetings para sa stepmom nilang si Lyxen Diomampo. Maraming natuwa ngunit marami ring nag-akusa sa dalawa ng hindi paggalang sa kanilang biological mother na si Jackie Forster.
Ipinagtanggol naman ng kanilang amang si Benjie Paras ang dalawa laban sa mga online bashers.
"First of all, you accuse me of things you don't know the full details of and, based on your language, it shows that you are the one who has an evil attitude. As they say, if you have an ugly attitude, then you sure have an ugly face," sulat nito sa kanyang Facebook account.