
GMA Integrated News reporter Bernadette Reyes called out netizens for their rude remarks about her job as a TV reporter while covering the devastating effects of heavy rains in Metro Manila due to typhoons Crising and Dante, and the Southwest Monsoon.
On her social media pages, Bernadette shared some highlights of her on-ground coverage along with screenshots of the nasty comments about her.
On its description, Bernadette shared why she chose to continue working as a reporter despite having better opportunities.
She recalled, “Noong mga panahong sumusweldo na ako ng 13,000 pesos, may nag offer sakin ng trabaho sa finance na 50,000 pesos ang sweldo.
“Pero mas malaki ang pangarap ko noon kaysa sa halaga ng pera. pumanaw na rin si mama noon kaya sarili na lang at ang pangarap ko ang kailangan itawid sa araw-araw.” the Kapuso news reporter said.
Bernadette continued, “Taong 2018 nakapasa ako na Foreign Service Officer sa DFA. pagkakataon na maging ambassador ng bansa. muli mas malaki ang sweldo. matagal na pinag isipan, hawak ko na ang resignation letter pero hindi na nakarating sa mesa ng aking mga boss.
“Kumatok na rin ang ilang corporate job, muli mas malaki ang sahod. hindi na kailangan makipagsapalaran tuwing may sakuna tulad ng bagyo. alam nyo na ang kasunod, hindi ko na naman tinanggap ang pagkakataon.
“Hindi sa lahat ng pagkakataon pera ang rason, ang motibasyon para manatili tayo sa piniling trabaho.”
“Sabi ko nga, ito ang trabahong hindi ko ikayayaman. pero mayaman naman ako sa aral ng buhay mula sa mga coverage, sa mga nakakasalamuhang tao sa nakalipas na mahigit dalampung taon bilang reporter.
“Mahirap maunawaan kung bakit ko tinatalikuran ang mas malaking sweldo kapalit ang mas mahirap na trabaho. hindi ako nag iisa, may mga tao tulad ko na higit na mahalaga samin ang tungkulin kaysa kikitain.”
While she knows that she cannot please everybody, Bernadette is heartbroken that some can be so cruel, especially against journalists who want to serve their country.
“Sabi nga nila you cannot please everyone. kaya naman tanggap ko na may mga taong hindi ako kailanman magugustuhan. subalit nakalulungkot na sa kabila ng malinis na hangarin na tumulong sa bayan heto mura pa ang inaabot.
“Sa kabila nito, hanggad ko pa rin po na nasa ligtas kayong kalagayan lalo na ngayong sinusubok na naman tayo ng kalikasan.”
Before ending her post, Bernadette has this to say against her bashers: “Ilang beses nyo man akong murahin o kutyain, patuloy akong mag sisilibi sa bayan, uilit-ulitin para sa bayan .”
RELATED CONTENT Celebrities na may kapangalan na bagyo