
Balikan ang mga pinakanakakatawang paandar nina Boobay at Tekla sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, December 29.
Magbabalik ang Scary Scarecrow parody segment, kung saan isang barangay ang ginagambala ng isang scarecrow at kinonsulta nila ang paranormal investigator na si Ed Maluwag para bigyang-linaw ang isyu.
Aliens kaya ang may kagagawan ng paggambala ng scarecrow o isa itong paranormal activity?
Balikan din ang naughty side ni Queen of Creative Collaboration, Heart Evangelista, sa walang takot niyang pagsagot ang mga sexiest questions sa “Feeling the Blank.”
Isa pang queen sa katauhan ni Maine Mendoza, ang most tweeted celebrity sa Pilipinas, ang magpapakita ng kanyang acting skills sa “Roleta ng Kadramahan.”
Matutunghayan ding muli ang isa sa pinakabumentang edition ng “Pranking in Tandem” tampok sina Rita Daniela at Ken Chan. Nabiktima ng prank nila ang isang manghuhula sa Quiapo, Manila.
Lastly, susukatin naman nina Boobay at Tekla ang kaalaman ng mga tricycle at jeepney driver sa mga road at traffic sign sa “TBATS on the Street.”
Tuluy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, May 3, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!