
Isang special year-end episode ang hatid ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (December 22).
Makakasama ng TBATS hosts at comedy duo na sina Boobay at Tekla ang Mema Squad members na sina John Vic De Guzman, Ian Red, at Pepita Curtis.
Muling babalikan sa TBATS ang most kilig moments sa matchmaking segment na “Pusuan Na 'Yan.”
Magkakaroon din ng countdown sa pinakanakakatawang impersonations at impressions sa “Ka-Voice: Sing-alike Challenge.” Malalaman din sa upcoming episode kung kaninong sketches ang pinakanakakatawa sa review ng “Ang Drawing Mo.”
Mapapanood din dito ang best performances sa matinding labanan ng stand-up comedians na “Tawang Timpla: Bardagulan sa Pagpapatawa.”
Abangan ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:05 p.m., sa GMA at Kapuso Stream. Mapapanood din ang TBATS sa oras na 11:05 p.m. sa GTV.