
Suki na ng iba't ibang TV singing competion si Renz Robosa, tubong Pangasinan, at ilan lamang diyan ng Bet ng Bayan ng GMA at Just Duet ng Eat Bulaga.
Kahit papaano, na-build na ni Renz ang kanyang TV presence dahil umabot siya sa grand finals ng Bet ng Bayan. Tumatak din siya sa The Clash judge na si Christian Bautista dahil naka-duet niya ang ngayo'y Clasher sa Just Duet.
Nang muling napakinggan ni Christian si Renz, binigyan niya ng challenge ang 28-year old na kumanta ng "Muling Buksan ang Puso" ni Basil Valdez sa 'Laban Kung Laban' round ng The Clash season three.
Ika nig Asia's Romantic Balladeer, "Maganda 'yung pagkanta mo. Siguro i-tsa-challenge na lang kita na if you move forward, bigyan mo kami ng other varieties so we want to see your versatility later on."
Sinang-ayun naman ni Comedy Queen Aiai Delas Alas si Christian at bumilib sa determinasyon ni Renz. "Magaling ka sa kantang 'to," komento niya sa performance ni Renz.
"Susuka pero hindi susuko," biro pa ng batikang komedyante.
Samantala, humanga rin si Lani Misalucha sa tapang ni Renz na sumali muli sa isang TV singing competition kahit ilang beses na itong nabigo noon.
Ani ng Asia's Nightingale, "'Wag mo tigilan 'yung deams mo na y'an, 'yung pangarap mo, 'yung mga goals saka 'yung drive mo. Pagpatuloy mo 'yun para sa iyong pamilyang lumalaki na."
Dugtong ni judge Lani, "Maraming salamat sa awitin na 'yun. Napakaganda ng boses mo."
Sa huli, itinanghal na panalo si Renz sa 'Laban Kung Laban' round kung saan natapat niya si Joshua Dela Cruz.
Panoorin ang buong performance ni Renz dito: