Article Inside Page
Showbiz News
Noong Linggo, umangat ang talento nila Maria Hannah Precillas na Bet sa Kantahan, Don Juan na Bet sa Sayawan at Karinyoso Boys na Bet sa Kakaibang Talento sa Central and Eastern Visayas showdown ng 'Bet ng Bayan' sa Dumaguete City.
By AEDRIANNE ACAR

Matindi ang naging sagupaan ng mga contestants ng Bet ng Bayan sa Central and Eastern Visayas showdown sa Dumaguete City, Negros Oriental.
Kaya naman naging mahirap para sa mga judges na sina Kapuso singer Jonalyn Viray, Louie Ocampo at veteran performer Ms. Kuh Ledesma na kilatisin ang mga pasabog na performances last Sunday.
At sa haba ng naging paglalakbay, umangat ang mga talento ni Maria Hannah Precillas na wagi bilang Bet sa Kantahan, Bet naman sa Sayawan ang Don Juan (Cebu) at nanaig bilang Bet sa Kakaibang Talento ang tubong Dumaguete city na
Karinyoso Boys.
Ayon sa Kapuso diva na si Jonalyn Viray napahanga raw siya ng singer na si Hannah sa husay at stage presence nito matapos niyang awitin ang theme song ng classic Disney movie ng Hercules na ‘Go the Distance.’
Ani Jonalyn, “Ang lakas ng dating, kitang-kita ko ‘yung confidence mo sa stage tamang-tama lang 'yung naging galaw mo, ‘Yung facial expression, ang masasabi ko flawless.”
This Monday dapat niyong tutukan ang simula ng labanan ng pinakamahuhusay sa North Luzon. Sino kaya sa kanila ang magiging bet niyo?
Dapat niyong sundan ang kuwento ng mga contestants tulad ni Mary Jane na hindi nawalan ng pag-asa at pilit na hinanap ang mga magulang na nag-abandona sa kanya.
Kaya panoorin ang Bet ng Bayan pagkatapos ng Ilustrado sa GMA Telebabad at Sundays pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho at 9:40 pm.