What's Hot

Betong Sumaya at Ate Gay, patuloy ang pagpapatawa kahit naka-quarantine

By Dianara Alegre
Published April 23, 2020 12:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Betong Sumaya and Ate Gay share good vibes amid covid19 pandemic


Tuloy ang paghahatid ng good vibes ng mga komedyanteng sina Ate Gay at Betong Sumaya kahit naka-quarantine.

Kahit naka-quarantine, tuloy pa rin ang papapatawa at paghahatid ng good vibes nina Kapuso comedian at Centerstage host Betong Sumaya at Ate Gay sa pamamagitan ng social media.

Isang post na ibinahagi ni Gil (@ategay08) noong

Patok na patok kasi sa netizens ang mga kuwela at nakakatawang paandar nila.

Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras kina Ate Gay at Betong, ibinahagi nila na mahalaga pa ring maghatid ng saya sa publiko, lalo na ngayong may COVID-19 crisis sa bansa.

“Kumbaga, ito lang ang ambag ko para sa ating mga frontliner, mga tao sa bahay na nababagot,” sabi ni Ate Gay.

Dagdag pa niya, malaking bagay sa kanya ang positibong komento ng netizens patungkol sa kanyang ginagawang funny videos.

“Kaya ginaganahan din akong gumawa ng mga video na masaya kasi maraming nagko-comment na maganda naman. 'Yun naman ang balik sa aming mga komedyante na nakakabasa kami ng mga magagandang komento. Thank you,” aniya.

Isang post na ibinahagi ni Gil (@ategay08) noong

Ate Gay's FUNNY mash-up songs

Sa panig naman ni Betong, sinabi niyang nais niyang kahit paano ay matulungan ang publiko na pansamantalang maisantabi ang problema.

“Alam ko na hindi solusyon na palagi mo silang patatawanin pero malaking bagay din na kahit papano nada-divert mo 'yung problema nila,” ani Betong.

Nabanggit din niyang karamihan umano sa kanyang mga tagapanood ay mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

“Ang dami rin palang nagugutom sa kanila. Hindi makalabas and at the same time, hindi nila napaghandaan nang husto. Tapos 'yung iba, nawalan ng trabaho.

“'Yung iba gusto nang umuwi sa Pilipinas kaya lang, wala namang flights na available,” pagbabahagi pa ng komedyante.

Gaano Kadalas ang ..... #BetongsHomeAloneGoals #PampaGoodVibesLangGuys #SaradoAngLaundryShopNaMalapitSaAmin #WashAndWear #BetongsLabaSerye #BetongsLabaSeryeFour

Isang post na ibinahagi ni Alberto S. Sumaya, Jr (@amazingbetong) noong

Betong Sumaya, nanawagan sa publiko: 'Kailangan natin maging tapat'

At ngayong kailangan din ng pampa-good vibes, inilabas ng GMA Music ang novelty song ni Betong na “Nang Minahal Mo ang Mahal Ko.”

“'Wag na 'wag nating kakalimutang ngumiti kasi ito 'yung mga bagay na puwede mong ibigay sa tao na kapag nginitian mo, malaki 'yung impact sa buhay nila,” paalala ni Betong sa publiko.

Panoorin ang buong 24 Oras report: