
Isang relatable comedy story ang hatid nina Betong Sumaya at Saviour Ramos sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Rest in Pieces," kuwento ito ng isang anak at ng yumao niyang ama.
Si Saviour ay si Michael na closeted gay man, habang si Betong naman ang recently deceased niyang tatay na si Gardo.
Nang mamatay ang strict at conservative na si Gardo, buong akala ni Michael na makakapagladlad na siya.
Pero biglang babalik ang kaluluwa ni Gardo dahil hindi ito makapag-move on nang malaman ang tunay na katauhan ni Michael.
Paano kaya matatahimik ang kaluluwa ni Gardo habang nabubuhay nang malaya at true to himself si Michael?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang bagong episode na "Rest in Pieces," April 12, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.