
Ano ang kayang i-give up ni Betong to become Liam Hemsworth?
Ang tanong, “If you’ll give up one of your five senses para maging kamukha ang isang Hollywood star, sino ang artistang ito at ano'ng sense ang igi-give up mo para maging siya?”
Pambihirang oportunidad ito para kay Kapuso comedian Betong Sumaya kaya sinagot niya ito ng, “Wow! I’ll choose Liam Hemsworth.”
Amazed ang lahat sa pinili ng Laff, Camera, Action! star kaya napasigaw at pumalakpak ang hosts ng Mars. Bulalas ni Suzi Abrera, “Ang ganda! Good choice.”
Ano naman kaya ang isasakripisyo ni Betong para rito, “I-give up ko siguro ‘yung sense of hearing kasi at least [nakakakita ka]. Mahirap na hindi mo nakikita ‘yung reaction ng mga taong [kinakausap mo].
Okay lang din kay Mars Camille na wala siyang maamoy. Pabiro niyang sinabi, "‘Di naman siya kailangan eh (laughs). Wala naman akong naamoy so hindi ko siya kailangan.”
Kaya niyang ipagpalit ang kanyang sense of smell “para maging si Katy Perry para cute lang.”
Dagdag ni Mars Suzi, “At saka ang pretty [at] ang sexy niya. Bongga ka diyan, Mars!”
MORE ON BETONG SUMAYA:
Betong Sumaya, nag-alangan i-spoof ang Kalye-serye ng 'Eat Bulaga'