Celebrity Life

Betong Sumaya, inalala ang kanyang 'Survivor Philippines' big win 10 years ago

By Aedrianne Acar
Published February 11, 2022 11:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DepEd allocates P100M for AI center
Solenn Heussaff shares more snaps from family's snowy Japan trip
Owl chicks rescued in Davao del Sur

Article Inside Page


Showbiz News

Betong Sumaya


Sa tingin ba ni Betong Sumaya, mananalo ba siya uli kung sakaling mayroon uling 'Survivor Philippines?' Balikan ang naging sagot niya sa exclusive interview ng GMANetwork.com.

Puno ng pasasalamat ang Bubble Gang comedian na si Betong Sumaya nang alalahanin niya ang naging journey sa Survivor Philippines sampung taon na ang nakararaan.

Itinanghal si Betong bilang Sole Survivor sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown at magmula noon gumawa na siya ng marka sa GMA-7 bilang isa sa magagaling na host at top comedian ng network.

Sa Instagram post ni Betong, nag-post ito ng ilang highlights niya sa Survivor Philippines. “To GOD always be the glory. Exactly 10 years ago noong natanggap ko ang Amazing Blessing na 'Ultimate Celebrity Sole Survivor' ng 'Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown' na ginawa sa isla ng Palawan.”

Marami rin naging realization at lesson ang Kapuso comedy actor sa pagsali niya sa reality show na baon-baon niya pa rin hanggang ngayon.

Aniya, “Looking back now sobra akong nagpapasalamat sa lahat ng blessings na sumunod pagkatapos noong ako'y manalo. Sa tuwing naaalala ko ang mga tagpo naming mga Castaways sa isla for 36 days, may mga pagkakataong napapaisip pa rin ako, 'Nagawa pala namin yun? Kaya pala naming mabuhay ng konti lang ang kinakain?' (Actually nagka ABS ako ng 2 piraso hehehe).”

Pagpapatuloy ni Betong, “Kaya pala naming matulog sa buhanginan na may bato at kung anu-ano pa? (lamok, lanip, ahas, atbp.) Maligo ng walang sabon, shampoo, deodorant, at walang toothbrush at toothpaste? Kaya mo palang magsuot ng isang set lang ng damit na ganun katagal? At marami pang iba.

“Saka mo mare-realize kung gaano ka ka-bless sa sitwasyon mo ngayon, na may maayos kang bahay, trabaho, gamit at nandyan ang mga mahal mo sa buhay at tunay na mga kaibigan.”

Hindi rin nakalimutan ni Betong na pasalamatan ang bumubuo ng Survivor Philippines dahil hindi daw niya malilimutan ang kanyang experience sa pagsali dito.

Nagpaabot din siya ng shout out sa Sparkle sa patuloy nilang pagtitiwala sa kanyang kakayahan.

“Muli maraming salamat sa GMA at sa Sparkle GMA Artist Center sa patuloy na ibinibigay ninyong tiwala sa akin.

“Sa TALA Tribe na nagbigay ng lakas ng loob at paniniwala sa akin, chine-cherish ko talaga ang friendship natin.

“Sa lahat ng bumubuo ng Survivor Philippines, grabe ang hirap, pagod at determinasyon n'yo sa show. Wala kami kung wala kayo, sana magkaroon na ng Season 5. Hinding-hindi ko malilimutan ang Survivor Philippines experience na ito, na 'di lang pala LAKAS ang pwede mong ipanglaban dito, kundi kung ano nasa loob ng PUSO mo.”

A post shared by Alberto S. Sumaya, Jr 😍 (@amazingbetong)

Tila napa-throwback din ang ibang castaway na kasama ni Betong sa Survivor tulad nina Arthur Solinap at Jackie Forster.

Source: amazingbetong (IG)

Taong 2019, eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork.com si Betong, dito tinanong namin siya kung sa tingin niya kaya niya pa uling manalo kung sasali siya sa Survivor Philippines.

Alamin ang sagot ng Bubble Gang comedian sa video below!

Meet the other top comedians in the country who are proud Kababol in this gallery.