
Madalas nating nakikita ang Bubble Gang comedian na si Betong Sumaya na nagpapatawa sa harap ng kamera, pero sa eksklusibong panayam ng Kapuso Showbiz News sa versatile Kapuso performer, hindi nito naitago ang kanyang pangungulila sa pamilya na hindi niya kapiling habang may pinapatupad na enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon sa Kapuso star, hindi na raw niya nagawang makauwi sa Antipolo, Rizal kung nasaan ang kanyang mga mahal sa buhay mula noong pumutok na ang kaso ng COVID-19 sa bansa noong Marso.
Emosyonal na sinagot ni Betong ang tanong sa kanya sa Kapuso Showbiz News kung ano ang una niyang gagawin pagkatapos ng ECQ.
Aniya, "Siyempre unang-una kong gagawin ay puntahan ang pamilya ko. 'Yun talaga.
"Grabe, sobra ko na talaga silang miss."
Dito na napaluha ang comedian at ipinaliwang na iba pa rin kapag kaharap mo ang iyong mga mahal sa buhay.
"Alam ko na kahit nakakausap ko sila sa Facetime, iba pa rin 'yung nakikita mo sila nang personal e. Lalo na 'yung mga pamangkin ko."
Dagdag ni Betong, "Dito mo mare-realize kasi kung gaano ka-importante 'yung pamilya mo and siguro kaya ako ganito ka-emosyonal kasi mag-isa lang ako."
Panoorin ang full interview ni Betong Sumaya sa Kapuso Showbiz News below.