What's Hot

Betong Sumaya on getting slapped by Jean Garcia: "Pinakarurok sa lahat"

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 9, 2020 10:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCSO: No jackpot winners for April 26 major lotto draws
PSA: Davao region maintains largest economy in Mindanao
Farm to Table: (April 26, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Ani Betong, ang pinakamalakas na sampal na natanggap ni Antonietta ay mula kay Ms. Jean Garcia. 


Hindi raw malilimutan ni Kapuso comedian Betong Sumaya ang episode nila sa Bubble Gang kung saan nagkaharap ang karakter na ginagampanan niya na si Antonietta at ang veteran actress na si Jean Garcia.

 

A photo posted by Alberto "Betong" S. Sumaya, Jr (@amazingbetong) on

 

WATCH: Ilang sampal ang natikman ni Betong Sumaya mula kay Jean Garcia?

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa magaling na komedyante, marahil si Ms. Jean Garcia na raw ang may pinakamalakas na sampal na kanyang tinamo sa lahat ng naging guest stars nila sa show.

Ayon kay Betong, “Sobra talagang siya na talaga ‘yung pinakarurok sa lahat eh. Siya ‘yung pinakamalakas sumampal.”

Nakakataba rin daw ng puso para sa Bubble Gang comedian na matapos nilang gawin ang eksena ay agad na kinamusta ni Jean ang lagay niya.

“Pero ang hindi nila alam dun sobrang bait ni Miss Jean na pagkatapos niya ako sampalin talagang niyakap niya ako, tapos sabi niya ‘Eto malamig ‘yung kamay ko ilagay mo ‘to,' nag-apologize siya.”

Dagdag niya, “Pero tumatawa rin siya eh kasi parang na-realize niya na ang lakas yata. Pero ‘yun mabait, sobrang saya... isa siya sa most requested na mag-guest sa Antonietta na natupad na.”

Ni-reveal din ni Betong ang mga wish list niya sa staff ng Bubble Gang kung sino-sino pang mga celebrities ang gusto niyang makaharap ni Antonietta.

Aniya, “Well sina Vilma Santos [laughs] Ate Vi, Sharon Cuneta, Ate Guy (Nora Aunor), Eddie Garcia, siguro ‘yung bago-bago pa mga kontrabida. Sila Ms. Sheryl Cruz, si Thea Tolentino, ‘yung mga kontrabida talaga.”

MORE ON BETONG SUMAYA:

Move over Marian: A new Primetime Queen is in town!