What's on TV

Betong Sumaya, paano pinangangalagaan ang kanyang mental health

By Maine Aquino
Published October 2, 2020 7:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Betong Sumaya


Kuwento ni Betong Sumaya, sa panahon ng pandemic, kailangan nating bigyang pansin ang ating mental health.

Sa episode ng Quiz Beh ay ikinuwento ni Betong Sumaya ang paraan para masigurong nabibigyan niya ng pansin ang kanyang mental health.

Ayon sa Kapuso star, "Sa panahon ngayon yung kalaban talaga natin 'yung pag-iisip natin everyday."

Inamin ni Betong na may pagkakataong iniiwasan niya munang manood ng balita.

"Ako, may times na ayoko manood muna ng news. Hindi ko sinasabi na hindi importante, napakaimportante ng news. Pero may point minsan na parang naa-alarm ako. Kasi parang nakikita mo parang 'yung cases nararamdaman mo."

Betong Sumaya/ @amazingbetong



Para mabawasan ang kanyang pag-aalala importante umano ang may nakakausap ang isang tao. Saad ni Betong ang kanyang pasasalamat dahil malaking tulong ang technology ngayong kailangan nating mag-social distancing.

"I think para malabanan mo 'yun e, lalo na sa mga tao na ma-isa nakatira. Ako po home alone talaga ako; 7 months na akong home alone dito sa Quezon City. Pero siyempre I have to make a way na makausap ko 'yung family ko so very thankful ako na meron tayong facetime at iba't ibang ways na makausap sila."

Dugtong pa niya ay importanteng ilabas ang nararamdaman sa mga taong pinagkakatiwalaan.

"You have to talk to your friends din e. Huwag mong sarilinin 'yung nararamdaman mo. Kailangan ilabas mo siya e. Kasi ang kalaban mo talaga not just 'yung nangyayari kundi 'yung mental health mo talaga which is very important."

Binigyang diin rin ni Betong na malaking tulong ang pagdadasal sa mga oras na nakakaramdam ng pagsubok sa buhay.

"'Yung faith mo talaga kay Lord. Trust and faith mo talaga kay Lord wala ka talagang ibang... wala tayong ibang makakapitan ngayon kung hindi si Lord talaga 'di ba, sa dami ng mga nangyayari sa atin."

ALSO READ:
Betong Sumaya shows behind-the-scenes of 'Daig Kayo ng Lola Ko' in latest vlog

Betong Sumaya vlogs his YouTube Space visit in New York