GMA Logo Betong Sumaya
Celebrity Life

Betong Sumaya, sinubukang gupitan ang sarili

By Marah Ruiz
Published August 5, 2020 4:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Betong Sumaya


Dahil sa lockdown, si Betong Sumaya na mismo ng gumupit ng sarili niyang buhok.

Habang bawal pang lumabas, do-it-yourself o DIY ang gupit ni Kapuso comedian Betong Sumaya ngayong quarantine.

Ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa sariling sikap na gupit sa isang vlog.

"Hay nako guys, eto na po. Samahan n'yo po ako at gugupitan ko na po ang aking sarili without any help from any barbershop or barber or anything. Oh my goodness! Kinakabahan na 'ko. Let's all watch this," panimula ni Betong sa kanyang video.

Ayon sa kanya, limang buwang nang hindi nagugupitan ang kanyang buhok.

"Alam niyo ba guys, ito na yata 'yung pinaka matagal na hindi ako nagpagupit. Almost five months na hindi ako nakapunta sa aking hair stylist. Wow, isipin niyo, may hair stylist talaga ako," bahagi niya.

Dahil sa haba ng kanyang buhok, hindi niya mapigilang maalala ang pasali niya noon sa Survivor Philippines: Doubles Showdown kung saan itinanghal siya bilang winner.

Betong Sumaya


Ito ang ika-apat at huling season ng Philippine edition ng sikat na American survival show na Survivor.

"Ang naaalala kong talagang walang gupitan, walang ahitan is noong time na sumali kami sa Survivor Philippines celebrity double show. Grabe, tingnan niyo itsura namin oh. Grabe, for 36 days ganyang ang hitsura namin," paggunita ni Betong.

Matapos magpalit ng damit, inihanda na ni Betong ang gagamitin niyang maliit na suklay, salamin, gunting, at electric razor.

Kamusta kaya ang gupit ni Betong? Alamin ang kinalabasan ng kanyang bagong hairstyle sa video na ito:


Samantala, si Betong ang nagsisilbing regular na host ng special online game show series na Quiz Beh kung saan magtatagisan ang apat na celebrity players sa ilang simpleng games.

Panoorin ito online, anytime sa GETS!