
Nakaka-touch ang birthday message ang comedian/TV host na si Betong Sumaya sa Kapuso comedy genius na si Michael V.
'LOOK: Sino ang Kapamilya star na excited na makita ang 'Bubble Gang' barkada?
Sa Instagram post ng Survivor Philippines grand winner, nagpasalamat si Betong sa tiwala at suporta na ibinibigay ni Bitoy sa kanilang lahat sa Bubble Gang.
Matatandaan na bukod sa pagiging pioneer ng longest-running gag show ay tumatayo ding creative director si Michael V ng program.
Saad ni Betong, “Bago po matapos ang araw na ito ay gusto ko lamang batiin at magbigay-pugay sa isang taong napakagenerous, may mabuting puso at tinitingala naming idolo, Amazing Birthday Kuya Bitoy.
“Maraming salamat po sa tiwala, suporta at pagpapalakas sa loob namin na pagbutihin pa ang trabaho naming lahat na taga Bubble We lab yu po Kuya Bitoy #TyPoLORD #Blessing #AmazingBirthdayKuyaBitoy”
Ilan sa mga artista na spotted sa party ni Michael V ang mga Kapuso stars na sina Kim Domingo, Mikoy Morales, Antonio Aquitania, Boy 2 Quizon, Ashley Rivera, Arny Ross at Arra San Agustin.
Naki-saya din ang mga dating katrabaho ng Kapuso star sa gag show na sina Ogie Alcasid, Ara Mina at Diana Zubiri.
Kasama din na naki-party kay Bitoy ang mga Pepito Manaloto stars na sina Manilyn Reynes, John Feir, Nova Villa, Ronnie Henares, Mosang, Jen Rosendahl, Maureen Larrazabal, Arthur Solinap at asawa niya na si Rochelle Pangilinan.
Isa din sa mga guest sa party ni Michael V ang Kapuso director na si Bert de Leon.