GMA Logo Betong Sumaya tells public Maging Tapat
What's Hot

Betong Sumaya, nanawagan sa publiko: 'Kailangan natin maging tapat'

By Dianara Alegre
Published March 23, 2020 5:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Betong Sumaya tells public Maging Tapat


Ang panawagan ni Betong Sumaya sa publiko: "Sa panahon po ngayon, kailangan po natin maging tapat."

Dahil sa kinakaharap na suliranin ngayon ng bansa dulot ng 2019 coronavirus disease (COVID-19), hinikayat ni Kapuso comedian Betong Sumaya ang publiko na maging tapat sa pagbibigay ng kaukulang impormasyon sa mga awtoridad at healthworkers.

A post shared by Alberto S. Sumaya, Jr (@amazingbetong) on

Sa isang video post sa Instagram nitong Lunes idinaan ni Betong ang kanyang panawagan.

Aniya, “Sa panahon po ngayon, kailangan po natin maging tapat. Hinihikayat po ng Department of Health (DOH) sa lahat po ng mga pasyente na i-disclose po sa ating healthworkers ang tunay po ninyong travel history at kung kayo man ay na-expose sa mga taong may COVID-19.

“Sa ganitong paraan po ay maaari nating mailigtas ang inyong buhay, ang buhay po ng ibang tao, ng healthworkers at ng kanila pong mga inilagaan.

“Sa panahon po ngayon, katotohanan po ang kailangan.”

Let's do our part mga Kapuso ❤️

A post shared by Alberto S. Sumaya, Jr (@amazingbetong) on

Ang panawagan ay bunsod ng mga report na nagdulot na ng panganib ang pagsisinungaling at pagtatago ng mga pasyente ng kanilang mga travel history.

Base sa mga lumabas na ulat, isang pasyente ang hindi nagsabi ng totoo nang tanungin ng doktor kung may travel history ito.

Ngunit ilang araw ang lumipas ay napag-alamang galing ang pasyente sa isang bansa na may COVID-19 cases, at positibo rin siya sa naturang virus.

Makaraan ang ilang araw, ay namatay ang kanyang doktor, at kinailangang i-quarantine ang lahat ng mga nakasalamuha ng pasyente sa ospital.

Gaya ng pahayag ni Betong, kailangan ng lahat na maging matapat lalo na sa oras na lumalaban ang buong mundo sa perhuwisyong hatid ng COVID-19.

Ruby Rodriguez says her sister Dr. Sally Gatchalian is battling COVID-19

Dingdong Dantes, nanawagan ng kooperasyon at pagtutulungan sa gitna ng banta ng COVID-19