
Ikinuwento ni Bettinna Carlos na nagkaroon sila ng individual dates ng asawa na si Mikki Eduardo kasama ang kanilang mga anak.
Si Bettinna ay kasama ang bunsong si Amina habang si Mikki naman ay nakasama si Gummy.
Pagbabahagi ni Bettinna, "Went on individual dates with our children yesterday… yung mag-ama nagmotor. Kami ni Amina nagsunset walk and pray. And then bigla nagkrus ang mga landas."
PHOTO SOURCE: @bettinnacarlos.eduardo
Sa kanyang paglalakad ay nadiskubre raw ni Bettinna ang pakiki-pagusap sa Panginoon sa sandaling iyon.
"I discovered lately ang sarap pala maglakad at makipagusap sa Panginoon. Naming your blessings. Naming them one by one and thanking Him for them… confessing kung ano yung mga narealize mong mali at kasalanan mo and seeking for His help sa areas na mahina ka sa buhay mo… at kung ano pang lumapat sa puso mo na sabihin sa kanya…"
Dugtong pa ni Bettinna, "Minsan sa garden ng Aginana paikot ikot lang ako nagdadasal na pala ako. Sanay kasi ako na ang dasal nakaupo nakapikit nakayuko. Kasi pag mulat ang mata ko distracted ako… but interestingly, not lately… even with the holy week rush."
Nagpasalamat naman si Bettinna sa blessings na natatanggap ng kanilang pamilya.
Saad niya sa kanyang Instagram caption, "Lord salamat ha? Sa lahat ng tinatamasa namin, thank you… sa lahat ng pagsubok at discomfort na nasestretch kami thank you rin. Thank you for the quiet contentment in our hearts. Thank you for Your love and forgiveness. Iba talaga kapag nananahan ka sa buhay at nasa trono ng mga puso namin. Lubos ang pagibig at ganap ang kapatawaran na kaya naming ipagkaloob sa isat isa… Kung hindi dahil sa anak mong si Hesus wala naman kami nitong kapayapaan sa puso namin, pagtanggap sa kalooba mo para sa amin at pagpapasalamat sa kung anong mayroon kami."
Dugtong pa niya, "Thank you Lord. Who are we that You care for us so much? To let Your one and only Son die not just for us but AS US. Napakabuti mo Lord because You have blessed us with the biggest blessing anyone can ever have-eternal life in Your Son and enjoyment of that even while we are here on earth because He is with us and in us."
Inamin din niyang may insecurities siya pero ang pananampalataya raw niya ang nagbibigay sa kanya ng sense of security.
"For someone who grew up with so many insecurities and who still struggles with some from time to time to this day, thank you for the sure security found only in You. Ikaw lang Lord ang bukod tanging nakapagsecure sa akin bilang tao bilang babae bilang asawa, ina, manggagawa at lahat pa. Thank you for who You are and who You are to us despite what we are-sinners."
Sa huli, inilahad ni Bettinna ang kanyang mensahe ng pasasalamat.
"To the Good Lord who gives and takes away, to the God who is the Source and Cause behind all things, the God of all seasons, of work and rest, the Lord of all… THANK YOU."
SAMANTALA, BALIKAN ANG #COUPLEGOALS PHOTOS NINA BETTINNA AT MIKKI: