What's Hot

Bettinna Carlos, ibinahagi kung paano niya natutunan ang baking at cooking

By ANN CHARMAINE AQUINO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 25, 2020 2:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan orders 2 Revilla co-accused sent to QC women’s jail
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Being a sous chef to Chef Boy Logro on Idol sa Kusina started her interest on cooking.


 

A photo posted by Bettinna Carlos (@abettinnacarlos) on

 

Nakilala bilang sous chef si Bettinna Carlos sa programang Idol sa Kusina, pero kilala din ang aktres bilang isang baker/entrepreneur. Sa isang interview, ibinahagi niya ang kaibahan ng pagluluto at pagbi-bake.

Una nitong binanggit na natuto siya sa cooking show na Idol sa Kusina kung saan tumatayo siyang sous chef ni Chef Boy Logro.

Aniya, "I really learned so much from that show. Actually 'yung interest ko for cooking dun nabuksan."

Ikinuwento rin ni Bettinna ang kanyang kaalaman tungkol sa baking at cooking dahil parehas niya itong ginagawa.

"'Di ba may saying sila na 'pag baker ka, baker ka lang. 'Pag cooking ka, cooking ka lang. It's a totally different science. Ang baking hindi siya parang cooking na 'pag naglagay ka ng toyo, naglagay ka ng asin, naglagay ka ng ganyan, hahabulin mo lang. Baking 'pag nagkamali ka ng isa mali lahat, uulitin mo lahat. So a lot of people are scared to give it a try."

Ang kaalaman umano ni Bettinna ay mula sa mga cooking at baking schools na kanyang sinalihan.

"When I was pregnant I took lifestyle classes in Henny Sison's school. 'Yung mga four to five hours lang. Pizza making, breadmaking. I was also a scholar of Chef Boy pero I focus more on cooking there."

Kahit na nag-aral na si Bettinna sa school for baking, gusto niya pa rin ng aktres na matuto sa iba't-ibang paraan.

"'Yung baking I like learning more on books and watching it on TV, experimenting. Sa ganon ako mas natututo."

MORE ON BETTINNA CARLOS:

Bettinna Carlos on her online business: "It's a stable source of income for me"

Bettinna Carlos, umamin na katulad siya ni Patricia ng 'Because of You' dati