GMA Logo Bettinna Carlos
Celebrity Life

Bettinna Carlos, ikinuwento ang kaniyang simpleng buhay sa probinsya

By Maine Aquino
Published April 5, 2021 12:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Bettinna Carlos


Alamin ang mga natutunan ni Bettinna Carlos sa kaniyang naging pamumuhay sa probinsya sa loob ng isang linggo.

Ibinahagi ni Bettinna Carlos ang kaniyang ginawa sa isang linggo niyang pamamalagi sa probinsya at mga aral na kaniyang natutunan.

Kuwento ng dating aktres at host, "Simpleng buhay. Nakakapanibago. But a beautiful and welcome change. Challenges accepted and embraced. Big room for growth. More opportunities to exercise thankfulness. Salamat Panginoon sa grasya at gabay."

Ayon sa Instagram post ni Bettinna ay isang linggo silang nanatili ng kaniyang pamilya sa probinsya.

Saad ni Bettinna, "1 week in the province...Kung saan sariwa ang hangin... mas nakakagalaw nang malaya... huni ng ibon ang gumigising... mas maraming lakad."

Ayon pa kay Bettinna, mas simple ito sa kaniyang nakasanayang buhay sa siyudad.

Buhay probinsya ni Bettinna Carlos

Photo source: @abettinnacarlos

"Kanya-kanyang laba ng damit at kamay... ikutan ng hugas ng pinggan... sa 711 ang date ng pangnetflix..."

Dugtong pa niya ang aral na kaniyang natutunan pagdating sa kanilang pagkain sa araw-araw.

"Lunes at Biyernes lang ang palengke... new local recipes to learn to make (nagpakbet at poqui-poqui ako this week. Next week try ko naman dinakdakan at dinengdeng)...mas marami kaming gulay na nakakain... 85% fish and veggies versus red meat... isa lang ang kalan ko at wala kong food containers so dapat ubos lagi ang luto... cute ang ref kaya di makapag-store like my usual load pag sa Manila... at kada meal freshly cooked... freshly baked din ang pandesal from the neighborhood bakery."

Isang post na ibinahagi ni Bettinna Carlos Eduardo (@abettinnacarlos)


Isa pa raw sa mga natutunan ni Bettinna ay ang pag-budget sa pang araw-araw nilang pagkain.

"At at at gumagaling ako bilang budgetarian! My math oh come on (!!! lunch/dinner to feed 4 costs us P120-P200 only!!!!! Breakfast is P15 per person! 6pesos for 1 egg + malunggay pandesal 2pesos each + 3in1 coffee. O diba galing ko hahaha)"

Pinasalamatan naman ni Bettinna ang kaniyang asawa na si Mikki Eduardo sa naging desisyon nilang ito na manatili sa probinsya.

"Thankful to the husband for this decision. @mikki.e.eduardo "

Sa comment section ay itinanong ng event planner na si Teena Barretto ay kung lumipat na ba si Bettinna sa bagong bahay.

Bettinna Carlos buhay probinsya

Photo source: @abettinnacarlos

Sagot ni Bettinna, "Half step."

Tingnan ang mga sweet na photos nina Bettinna at Mikki sa gallery na ito: