
Unti-unti nang natutupad ang pinangarap na bahay nina Bettinna Carlos at Mikki Eduardo sa La Union.
Sa Instagram ikinuwento ni Bettinna ang unang pagkakataon na dinala siya ng asawa sa La Union kung saan magkasintahan pa lamang sila noon. Sinabi sa kanya ni Mikki na sa lugar na iyon nila bubuuin ang kanilang mga pangarap.
"It's been a year since you brought me to this land ('di pa nga tayo engaged) -- the first time we visited [La Union] together you brought me here right away and told me that on this spot is where we will build our future," pagbabahagi ni Bettinna.
"Villas lang no'n. Business muna at parang sa kwarto lang tayo there somewhere. Wala nga kong narinig na bahay. Kung saan mo kami ititira ni [Gummy]. Because for you our comforts can wait," dagdag pa nito.
Sa ngayon, sinisimulan na ang pangarap na bahay nina Bettinna at Mikki sa La Union.
"You know I always admired your wisdom in money and being content sa payak na pamumuhay Love. Pero ngayon may drawing na at plano na ang bahay," pagpapatuloy niya.
"You kept saying OURS. Our land. Our villas. I couldn't believe I had a part in something I never worked for to have. Until we got married I would still pertain to it as yours or your family's villas.
"I guess surprise blessings like this take time to sink in ano. I never thought I'd ever live in a house --a (near the) beach house even or move out of our condo ever. Hello I didn't even think I'd marry! But today this is already what's being built on that once empty lot," pagtatapos ng aktres.
Ikinasal sina Bettinna at Mikki noong December 2020 sa Tagaytay.
Samantala, tingnan sa gallery sa ibaba ang #couplegoals nina Bettinna Carlos at Mikki Eduardo: