
Kilig na kilig ang mga netizen sa mga larawan nina Thou Reyes at Muriel Lomadilla sa set ng First Lady kung saan gumaganap sila bilang sina Yessey at Bevs.
Magkalayong-magkalayo ang karakter nina Thou at Muriel dahil si Yessey ay laging nasa palasyo bilang chief of staff ni President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) samantalang si Bevs naman ay laging nasa bahay at nag-aalaga sa mga anak ng presidente na sina Nina (Cassy Legaspi), Nathan (Clarence Delgado), at Nicole (Patricia Coma).
Kahit na ganito, iba pa rin ang chemistry ng dalawa lalung-lalo na kapag magkasama sila ng likod ng kamera.
Komento ng ilang netizens, "Bagay sila!"
Mapapanood sina Thou at Muriel sa First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Samantala, kilalanin buong cast ng First Lady sa gallery sa ibaba: