What's Hot

#BEWARE: Neri Naig warns netizens of scammer using her name

By Aedrianne Acar
Published March 2, 2018 11:24 AM PHT
Updated March 2, 2018 11:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Nagbigay ng babala si Neri Naig kaugnay sa isang scammer na ginagamit ang pangalan niya para makapanloko. Alamin ang buong kuwento.

Labis na ikinabahala ng former actress na si Neri Naig ang impormasyon na nalaman niya na ginagamit ang pangalan niya para makapanloko ng ibang tao.

#MoneyWise: Sneak peek at Neri Naig's Alfonso's House

Galit na galit si Neri sa kaniyang Instagram post nang malaman niya na ang perang nakuha sa mga biktima ay pangpa-aral sa kanilang mga anak.

Nagpayo din ito sa mga followers niya sa na huwag magpaloko at maging maingat.

“Wala po akong hinihinging pera at hindi po ako nagsasabi na magpadala kayo ng pera sa bangko. 'Wag po kayong maniwala kung may mag-message sa inyo na kunware staff ko o teachers sa mga school. Maraming manloloko. 'Wag magpaloko sa mga taong magnanakaw. Pang-aral ng mga bata eh nanakawin n'yo pa. Magtrabaho kaya kayo no?”

“Eto po ang email add kung saan ako po mismo ang makakausap n'yo wearesmallchange@yahoo.com paki-double check din po ang mga mag-e-email sa inyo lalo na ang mga tao sa ibang bansa baka hingan kayo ng kung anu ano.”

 

Beware po! Ang daming manloloko talaga! Wala po akong hinihinging pera at hindi po ako nagsasabi na magpadala kayo ng pera sa banko. Wag po kayong maniwala kung may magmessage sa inyo na kunware staff ko o teachers sa mga school. Maraming manloloko. Wag magpaloko sa mga taong magnanakaw. Pang aral ng mga bata eh nanakawin nyo pa. Magtrabaho kaya kayo no? Eto po ang email add kung saan ako po mismo ang makakausap nyo wearesmallchange@yahoo.com pakidouble check din po ang mga mag eemail sa inyo lalo na ang mga tao sa ibang bansa baka hingan kayo ng kung anu ano.

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

 

Ikinasal si Neri sa Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda Jr. taong 2014 at ipinaganak naman niya ang kanilang baby boy noong November 2016.