
No doubt mahusay ang pagganap ni Ika-6 Na Utos star Ryza Cenon bilang si Georgia ay dahil inspired siyang magtrabaho lalo na at indie actor ang kanyang boyfriend of six months.
LOOK: Ryza Cenon hopes boyfriend Pocholo Barretto will be her last
Ipinakilala ito ng Kapuso star sa Unang Hirit, “Si Pocholo Barretto po [ay] boyfriend ko po. [Ang] supportive [niya] sobra. Nanonood siya tapos nag-a-advise.”
Tagos sa puso naman ang pagganap ni Kapuso hunk Mike Tan sa top-rating afternoon soap bilang si Angelo. Kung sa serye ay pinapaasa siya ni Emma, sa totoong buhay naman ay happy ang kanyang heart.
11 na taon na ang kanyang relasyon sa non-showbiz girlfriend at nananatili itong mystery girl. Paliwanag ng aktor, “Very protective ako pagdating sa kanya eh [kasi] ako ‘yung nasa showbiz [pero] very supportive siya. ”
Iba na ang kanyang pananaw pagdating sa pakikipagrelasyon, “Ang relationship [ay] partnership [at] kung hindi aalagaan ng isa, walang mangyayari. Ang masasabi ko lang, siya talaga ‘yung nagho-hold ng relationship namin at siguro ganun din ang sasabihin niya sa akin.”
Hahantong na rin ba sa simbahan ang kanilang mga relasyon kagaya ng kanilang mga karakter sa Ika-6 Na Utos? Huwag na huwag palampasin ang mga susunod na mga kaganapan.
READ: Ryza Cenon, malapit na bang maging Barretto?
MORE ON 'IKA-6 NA UTOS':
WATCH: What you’ve missed from the March 28 episode of ‘Ika-6 Na Utos’
WATCH: How does ‘Ika-6 Na Utos’ director Laurice Guillen motivate lead actress Sunshine Dizon?
WATCH: Gusto niyo bang mahuli kung si babe ay may no. 2?